Monday, November 19, 2018

MAAGANG PAGBUBUNTIS



" KABATAAN; Sa Maagang Pagbubuntis "
 

 


Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Masama ito sa mata ng diyos sapagkat ang pakikipagtalik ng hindi pa dumadaan sa sakramento ng kasal ay matatawag na isang kasalanan. Sa aking nakikita, marami na sa aking mga kamag-aral at kaibigan noon ay nakaranas na ng maagang pagbubuntis. Karamihan sa kanila ay nasa edad pa lamang na 17, 18 hanggang 21 taong gulang pa lamang.
Sa aking pag susuri isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang bilang ng mga maagang nabubuntis ay dahil sa hiwalay na pamilya. Uhaw sila sa atensiyon at pagmamahal na dapat ang mga magulang at mga kapatid nila ang nag papadama. Nakukuha nila ang atensiyon at pag mamahal na yun sa kanilang kasintahan at bilang sukli ibinibigay nila ang lahat ng bagay kahit na hindi naman dapat ibigay. Na kalaunan ay nagiging sanhi ng maagang pag bubuntis.
Sa kabilang dako, isa sa mga matinding dahilan ng maagang pag bubuntis ay ang kuryosidad. Nang dahil sa kuryosidad nagagawa nilang makipag talik sa kanilang kasintahan sapagkat gusto lamang nilang sumabay sa uso at dahil binabalot sila ng kanilang kuryosidad na malaman ang pakiramdam ng pakikipagtalik. Ngunit isa sa mga nakakalungkot na dahilan ng maagang pag bubuntis ay ang "RAPE". Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa lamang.
Mayroon ding epekto ang maagang pagbubuntis sa buhay ng tao. Isa dito ay nahihinto sila sa pag-aaral sa kadahilanang kailangan nila kumayod para sa pambili ng mga pangangailangan ng kanilang anak. Isa pang epekto nito ay ang hindi mapapalaki ng maayos ang bata sapagkat wala pang sapat na kaalaman ang mga magulang sa pagpapalaki ng tama. Maaring lumaking payat at hindi malusog ang pangangatawan ng bata. At ang huling epekto ay hindi mabigay na pangangailangan ng bata kapag ito ay lumaki sapagkat walang magandang trabaho ang mga magulang. Maaring wala silang makuhaan ng pera na panggastos at pambili ng pangangailangan ng bata. Makikita natin na maraming masamang epekto ang maagang pag bubuntis.
Ang maagang pagbubuntis ay isang komplikadong sitwasyon sapagkat nakasalalay dito ang kinabukasan mo at ng magiging anak mo. Mahalaga na isipin muna ang kahihinatnan ng lahat bago sumubok ng isang bagay sapagkat sabi nga nila matangkad ang pag sisisi kaya lagi itong nasa huli.

1 comment:

  1. useful information on topics that plenty are interested on for this wonderful post.Admiring the time and effort you put into your b!.. B Belly Pregnancy

    ReplyDelete